My fiancée and I have different ways in handling money. Matipid ako at “buy-what-I-need” only dahil laki kami sa hirap. Nagsusupport ako sa family. Proud ako sa financial discipline ko. Walang loan, walang utang. Kaya mamaluktot. Minsan lang sobrang tipid ko na nagtitiis ako pag may kelangan. (Again, nagsusupport kasi ako sa pamilya) Siya naman, laki rin sa hirap but they are now well off na kanya lang ang sweldo niya, minsan nag aabot sa parentals niya as appreciation. But minsan impulsive siya sa mga binibili niya. Tapos kapag nagsawa na ibebenta. Cycle lang. Sinabi niya sa akin na kapag kasal na kami, ako ang hahawak ng pera. Ikakasal na kami next year. Pero para sakin, di lang to about pera, pero about financial handling. Gusto ko siya matuto. Natatakot ako baka maging major away ito pag married na kami.

Leave a Reply
You May Also Like